Wednesday, January 11, 2012

Tagalog.

Ngayon lang ako magpopost ng tagalog na tagalog. Walang ingles, ni isa.
Kung mag mamahal ka ng isang tao.

Lubuslubusin mo na yung tipong pwede kang mamatay pag nag mahal pwede naman, at masasaktan ka din ng sobra. Kasi bihira lang makapagmahal ng isang tao na mahal na mahal mo. Hindi mo na siya mapapalitan..

Ayaw mo na siyang palitan. Kasi alam mo sa puso mo na siya na yung hinahanap mo. Siya na yung kaiisa isa mong mamahalin. Kung baga habang buhay mo na siyang makakasama.

Lahat ng pagsubok ay madadaanan ng mga nag mamahalan. May madali.. At madalas masakit. Lahat ng tao ay may karapatan magmahal, At magmahal ng sobra kahit na may mga matatapakan sila. Pag nagmahal ka, tiyaka mo lang malalaman kung bakit ka nabuhay dito sa mundong ito.

Lahat tayo ay meron din makakasama habang buhay. Makikilala natin sila. At ako nakilala ko na.

No comments:

Post a Comment